Home NATIONWIDE Airport securities bawal na humawak ng pasaporte ng pasahero

Airport securities bawal na humawak ng pasaporte ng pasahero

268
0

MANILA, Philippines – Ipinagbawal na ng airport security sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang paghawak sa mga pasaporte ng mga pasahero sa terminal entry upang maiwasan ang pagkasira ng mga ito.

Hihilingin na lamang sa mga pasahero na itaas ang kanilang travel document o ID.

Ito ay kasunod ng mga ulat ng nasirang pasaporte, kabilang ang insidente kung saan hindi pinayagan ng Cebu Pacific na makasakay ang isang pasahero dahil sa maliit na punit sa kanyang pasaporte.

Iniimbestigahan ng Department of Transportation at Civil Aeronautics Board ang insidenteng ito.

Tiniyak ng NAIA na walang ulat ng pagkakamali mula sa kanilang security personnel at nakikipagtulungan sila sa mga airline at iba pang ahensya upang maiwasan ang ganitong insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here