MANILA, Philippines – Magkakaroon ng libreng sakay sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2 mula Abril 30 hanggang Mayo 3 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., layunin ng hakbang na ito na kilalanin ang mga sakripisyo at kontribusyon ng mga manggagawang Pilipino sa ekonomiya at lipunan.
Ang Mayo 1 ay isang regular na holiday sa buong bansa bilang pag-alala sa kontribusyon ng mga manggagawa. RNT