Home NATIONWIDE 17 pagpipilian na susunod na Ombudsman chief

17 pagpipilian na susunod na Ombudsman chief

MANILA, Philippines – Nasa 17 kilalang indibidwal ang naghain ng aplikasyon bilang susunod na Ombudsman chief.

Nitong Hulyo 4, ang huling araw para sa pagsusumite ng aplikasyon sa Judicial and Bar Council (JBC).

Nabatid na kabilang sa mga naghain ng kanilang aplikasyon ay sina:

-Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan

-Dating BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares

-Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

-Retired SC Justice Mario Lopez

-Retired Court of Appeals Justice Stephen Cruz

-Philippine Competition Commission Chairman Michael Aguinaldo

-Judge Jayson Rodenas

-Sandiganbayan Justice Michael Musngi

-CHR Commissioner Beda Epres

-Justice Bautista Corpin

-Deputy Executive Secretary Lisa Logan

-Usec. Romeo Benitez

-Chairperson Felix Reyes

-Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Econg

-PDP-Laban Secretary-General Atty. Melvin Matibag

-Judge Benjamin Turgano (ret.)

-Atty. Jonie Caroche

Nakatakdang isalang sa public interview ng Judicial and Bar Council (JBC) ang mga aspirante sa Hulyo 30 at 31, at Agosto 1 at 4.

Ang mga mapapabilang sa shortlist ng JBC ang siyang isusumite sa Malacañang para pagpilian ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Si Ombudsman Samuel Martires ay nakatakdang magretiro sa Hulyo 27, 2025. Teresa Tavares