Home METRO 17 paslit sapul ng pertussis sa Pasig City; 2 patay

17 paslit sapul ng pertussis sa Pasig City; 2 patay

MANILA, Philippines- Inihayag ng Pasig City local government nitong Biyernes na 17 bata ang nasapul ng pertussis o whooping cough, kung saan dalawa rito ang patay, kasunod ng pagsirit ng bilang ng mga kaso sa bansa sa mga nakalipas na araw.

Base sa city government, nakapagtala ito ng 25 suspected pertussis patients mula January hanggang March 2024. May kabuuang 17 indibidwal ang nagpositibo sa sakit, kung saan walo ang probable cases, at dalawa ang nasawi.

Nilinaw ng local government unit (LGU) na mayorya sa mga kaso ay mga sanggol na wala pang dalawang buwan at hindi pa nababakunahan ng pertussis vaccine.

“Nagcoconduct na po ng response immunization sa barangays na may reported cases; apart from that, and we are also conducting mapping dun sa barangays na may reported cases para maintensify yung vaxx efforts,” paliwanag ng LGU.

Tiniyak nito sa publiko na lahat ng health centers nito ay may sapat na supply ng pertussis vaccines maging Post-Exposure Prophylaxis (PEP).

Ang Pertussis, kilala rin bilang 100-day cough, ay nakahahawa subalit “vaccine-preventable” bacterial disease dulot ng bacterium Bordetella pertussis na may inisyal na sintomas na karaniwang tulad ng sa common cold gaya na lamang ng sipon, lagnat, at ubo. Subalit, sinusundan ito ng dalawa o tatlong buwang malalang ubo.

Kasunod ng pag-ubo, nagkakaroon ng “high-pitched whoop sound” tuwing humihinga ang indibidwal na apektado nito. Maaari itong umabot ng 10 linggo o higit pa, kaya tinawag na “100-day cough.”

Maaaring magresulta ang malakas na pag-ubo sa pagsuka, rib fractures, at fatigue. Maaaring makaranas ang mga sanggol na wala pang 1 taong gulang ng “little or no cough at all” at sa halip ay mahirapan silang huminga. RNT/SA

Previous articleBiktima ng trafficking bumili ng pekeng dokumento sa FB
Next articleKampo ni Gabo, nagtataka sa paratang ni Sharon!