Home NATIONWIDE 17 Pinoy crew ng MV Groton ligtas sa Houthi attack

17 Pinoy crew ng MV Groton ligtas sa Houthi attack

117
0

MANILA, Philippines- Ligtas ang 17 Filipino seafarers sakay ng Liberia-flagged container vessel MV Groton kasunod ng missile attack kamakailan ng Houthi rebels sa Gulf of Aden, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Biyernes.

Sinabi ng DMW na kabilang ang Filipino seafarers sa 19 tripulante na nakaligtas sa insidente noong Agosto 3.

Patungo ang MV Groton sa Jeddah, Saudi Arabia nang atakihin ito 60 nautical miles sa Yemen.

Batay sa ulat mula sa operator ng MV Groton, ang Cornbulk Shipmanagement Corporation, sinabi ng DMW na nagtamo ang vessel ng minor damage, subalit walang leakage o water ingress na naobserbahan.

“(The MV Groton) has diverted its course and is now docked at the port of Djibouti for evaluation. All 19 crew members (17 of whom are Filipinos) are safe and there were no reported injuries,” pahayag ng DMW.

Tiniyak ng DMW na patuloy nitong babantayan ang sitwasyon at nananatiling handang tulungan ang mga apektadong marino at kanilang mga pamilya.

Samantala, iginiit ng ahensya ang panawagan nito sa shipowners na lumayo sa Red Sea at Gulf of Aden, at binigyang-diin na mahigpit nitong ipatutupad ang Department Order 3 na nagbabawal ng deployment ng Filipino seafarers sa “High-risk and War-like zones.”

May karapatan ang mga Pilipino na tumangging maglayag sa mga ganitong lugar, base sa DMW, idinagdag na ipagbibigay-alam nila sa departamento ang kanilang mga kondisyon o magsusumite ng kanilang kumpirmasyon ng pagtanggi sa mapanganib na katubigan. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here