MANILA, Philippines – Labimpitong lokal na opisyal ng Pilipinas, kabilang ang ilang alkalde, ang stranded sa Israel matapos isara ang airspace bunsod ng airstrikes ng Iran, ayon kay Israeli Ambassador Ilan Fluss.
Ang grupo ay nasa Israel para sa isang study visit sa dairy farming na sinusuportahan ng gobyerno ng Israel.
Ayon kay Fluss, ligtas ang mga opisyal at binibigyan ng pagkain, matutuluyan, at iba pang pangangailangan.
“All of them are being taken care of by the Israeli government and we are also looking for ways to send them back to the Philippines —this is our responsibility and our commitment,” ani Fluss sa isang interbyu.
“I can tell you that they are being fed, have lodging, and whatever [they] need we are catering for. They are doing fine, of course it’s not a pleasant situation.”
Patuloy ang koordinasyon para maibalik sila sa Pilipinas, ngunit komplikado ang proseso dahil sa kalagayan sa rehiyon.
Kabilang sa mga stranded ay sina Mayor Aron Balais ng Barugo, Mayor Athene Mendros ng Lawaan, at Mayor Betty Cabal ng Hindang.
Ayon kay Balais, kasalukuyan silang nasa bomb-proof bunker at tinitingnang ruta palabas ang Jordan, ngunit nananatiling magulo ang sitwasyon. Nakatakda sanang matapos ang kanilang biyahe sa Hunyo 20. RNT