Home OPINION PANGULONG BONGBONG BINUBUDOL NG MGA OPISYAL

PANGULONG BONGBONG BINUBUDOL NG MGA OPISYAL

233
0

SA kanyang anunsyo sa sariling podcast, inamin ni Pangulong Bongbong Marcos na binubudol siya ng kanyang mga opisyal sa kanilang mga performance o paggawa ng kani-kanilang tungkulin.

Aniya, sa mga report ng mga opisyal, pawang magaganda ang ipinararating sa kanya gaya ng pagkakompleto ng proyekto ng gobyerno na may litrato at kung magkano ang ginastos.

Pero sa kanyang pamamasyal nang personal sa mga proyekto, ngek, iba ang mga katotohanan.

Kitang-kita naman ang problema sa San Juanico Bridge at kuryente sa Siquijor.

Kung hindi pa pumunta mismo si Pang. Bongbong sa mga lugar na ito, hindi magkakaroon ng solusyon.

Hayan at sisimulan na ang retrofitting sa San Juanico Bridge na matagal at taon-taong inirereklamo nina Congressman Richard Gomez at iba pa dahil posibleng bumagsak ito.

‘Yang may mas maraming patay kay sa sindi ng Province of Siquijor Electric Cooperative, sa loob ng isang linggo, na-repair kaagad at sobra pa ngayon ang kuryente sa buong pangangailangan ng lalawigan.

Isama na natin ang matagal nang mas may maraming patay kaysa sindi na elektrisidad sa Albay kahit diyan pa matatagpuan ang Tiwi Geothermal Plant sa Mount Malinao sa probinsya.

Akalain mong sa solar light nagdedepende ngayon ang maraming kabahayan pero ang industriya at komersyo mahina dahil sa patay-sinding elektrisidad mula sa power plant.

Pagdating ng buong tag-ulan, titingnan din natin ang ipinagyayabang ng mga opisyal na mahigit na 5,000 anti-flood projects sa nakalipas na tatlong taon, kasama ang pagkabuo ng mga proyekto sa panahon ni ex-Pang. Digong Duterte.

Mahigit P600 bilyon ang ginastos diyan, mga Bro, at P300B pa para sa 2025.

Magkakasubukan dito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here