MANILA, Philippines- Maaaring maging mas agresibo ang Pilipinas sa agricultural exports bunsod ng ipinataw ng gobyerno ni United States President Donald Trump na 17% taripa sa Philippine goods papuntang Estados Unidos.
Ang duty (buwis) ng Trump administration ay mas mataas kaysa sa 10% baseline tariff rate sa buong mundo.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na maaaring samantalahin ng bansa ang kalimitan na “favorable” na ipinapataw na duties (buwis) kumpara sa ibang competitor countries sa Asya.
“Base sa nakita kong tariff rates, tayo pinakamababa. Isa sa pinakamababa. So, it just means that we should put more sales into the US of our products,” ayon sa Kalihim.
“As far as agriculture is concerned, kasi technically, ang competitor natin is basically Indonesia, Vietnam, Thailand, and other ASEAN countries to the US,” dagdag niya.
Sa kabilang dako, ang Vietnam ay sinampal ng 46% taripa; ; Thailand, 36%; Indonesia, 32%; iba pang ASEAN members gaya ng Cambodia, 49%; at Malaysia, 24%.
Tinuran ni Tiu Laurel na puwede itong makatulong na palakasin ang page-export ng bansa sa niyog, seaweeds, at iba pang fish products, bukod sa iba pa.
“I have given instructions to look at the whole product range na natin ng ini-export natin… but in general, I think it’s more positive than that,” ang sinabi pa rin nito.
Gayunman, nagpahayag naman ng pag-aalala si Tiu Laurel ukol sa iba pang competitor country, partikular ang Ecuador, mayroon lamang na 10% taripa.
“Ecuador also produces a lot of tilapia, a lot of shrimp, and some products similar to ours. So that might be a concern. But of course, in the whole scheme of things, I believe that we are, I’ve been to Ecuador many times, and I know how they work. I think we are, we can be competitive in this,” ang sinabi ni Tiu Laurel. JAY Reyes