Home METRO 18-anyos, huli sa pekeng 1k bill

18-anyos, huli sa pekeng 1k bill

1
0

MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang 18-anyos na teenager matapos umanong gumamit ng pekeng pera bilang pambayad sa isang food establishment sa Malabon City.

Sa ulat ng tanggapan ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission, napansin ng kahera ng nasabing food establishment sa Brgy., Catmon ang kahina-hinalang anyo ng isang-libong pisong perang papel na ibinayad ng suspek kaya agad itong humingi ng tulong mga pulis at barangay tanod na nasa lugar.

Kaagad namang nagresponde sa lugar ang mga tauhan ng Police Sub-Station 4, kasama ang mga tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nasamsam sa kanyang pag-iingat ang ilang karagdagang pekeng perang papel na may magkakaparehong detalye.

Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa umiiral na batas hinggil sa ilegal na pagmamay-ari at paggamit ng pekeng salapi.

Nagpaalala naman ni Col. Mission sa publiko na maging mapanuri sa pagtanggap ng pera, lalo na sa malalaking denominasyon at kung may mapansin aniyang kahina-hinalang perang papel, agad itong iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here