Home METRO 18-anyos nakipag-eyeball sa ka-chat, nakitang bangkay, nakagapos, may busal ang bibig

18-anyos nakipag-eyeball sa ka-chat, nakitang bangkay, nakagapos, may busal ang bibig

CEBU – Patay na nang matagpuan habang nakabusal ang bibig at nakagapos ang isang Grade 12 student na babae sa isang lodging house sa Toledo City.

Base sa imbestigasyon, ang paalam ng biktimang 18-anyos na na pupunta sa isang dance party ng kanyang mga kaklase, base sa kwento ng mga ate nito.

Ngunit, nakipagkita pala ang biktima sa isang lalaki na nakilala niya online at pumasok sila sa isang lodging house.

Makalipas ang ilang oras, nadiskubre na lang ng roomboy ang bangkay ng biktima nang katukin na ang kuwenrto nito dahil checkout time na.

Sa ngayon, pinaghahanap na ang 43-anyos na suspek na nakuhanan ng CCTV camera.

“Ipinakita namin sa room boy ang pinahusay na CCTV footage na mayroon kami at positibong natukoy niya ang lalaking kasama ng biktima noon,” sabi ni Police Lt. Col. Manolo Salvatierra ng Toledo City Police Station.

Isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng biktima na aalamin din kung ginagahasa ng suspek. RNT