Manila, Philippines- Isa pala si Iza Calzado sa mga opisyal ng AKTOR, ang organisasyong pinamumunuan ni Dingdong Dantes.
Aware ang nasabing grupo sa kasong kinapapalooban ni Sandro Muhlach.
Tulad ng alam ng lahat, inireklamo ni Sandro ng sexual assault ang isang direktor at isang writer ng GMA na sina Richard Dode Cruz at Jojo
Nones, respectively.
Kahit sabihin pang mga artista ang kasapi sa AKTOR, inamin ni Iza na hindi mapakialaman ng kanilang grupo ang kaso ni Sandro.
Simple lang daw ang dahilan–hindi pala miyembro nito ang anak ni Niño Muhlach.
“Unless of course if we’re asked to,” paglilinaw ng aktres.
Hindi rin daw ibig sabihin nito’y hindi sineseryoso ng kanyang mga kasamahan ang isyung may kinalaman sa sexual harassment sa hanay ng mga artista.
Nakalimutan lang linawin ni Iza what if biglang mag-apply bilang member si Sandro–matutulungan kaya nila ito?
If so, sa anong paraan?
Samantala, naiulat kamakailan (hindi rito sa Remate Online) na tila nanganganib mabaligtad pa si Sandro base sa kontra salaysay ng kanyang mga inireklamo.
Kinakitaan kasi ng ilang loopholes ang bersyon ni Sandro na hindi tugma sa mga isinumiteng dokumento nina Cruz at Nones.
Ang nagkakaisa ring tanong ng marami–pagalingan na lang ba ito ng mga abogadong kumakatawan sa mga partidong sangkot? Ronnie Carrasco III