MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation-Batangas District Office (NBI-BatDO) ang 18 indibidwal dahil sa illegal quarrying sa Batangas.
Ayon sa NBI, nagsagawa ng entrapment operation ang mga ahente nito na may deputization authority mula sa Mines and Geosciences Bureau sa Barangay Celestino, Lipa City noong Agosto 1, Huwebes.
Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na ang mga kagamitang ginagamit ng mga indibidwal ay magiging bahagi ng ebidensya laban sa kanila.
Ayon kay Santiago, nag-ugat ang operasyon sa impormasyong natanggap na talamak ang illegal quarry operation sa lugar.
“Arrested individuals were caught in the act of extracting earth materials in a vegetated area without a permit from the Provincial Government Environment and Natural Resources Office of Batangas Province,” ayon sa pahayag.
Iniharap na sa Inquest proceedings sa Prosecutor’s Office ang naarestong mga indibidwal sa paglabag sa Section 103 ng Republic Act 7942 o ang Philippine Mining Act of 1995. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)