Home METRO P2.5M tobats nasabat sa Agusan Sur

P2.5M tobats nasabat sa Agusan Sur

BUTUAN CITY – Nasabat ng mga pulis ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.5 milyon sa buy-bust operations sa rehiyon ng Caraga partikular sa lungsod na ito, Surigao del Norte at Agusan del Sur, noong Biyernes, Agosto 2.

Sinabi ni Police Regional Office 13-Regional Public Information Office chief Police Major Jennifer S. Ometer na nahuli ang limang hinihinalang tulak ng droga – si alyas Lolong, isang high-value individual (HVI), na nahuli sa Placer, Surigao del Norte; Jon at dalawang iba pa sa Butuan City, at Jai sa San Francisco, Agusan del Sur.

“Nagpapatuloy din ang mga follow-up na operasyon upang arestuhin ang iba pa nilang mga contact at dealer,” dagdag ni Ometer.

“Ang aming kampanya ay nananatiling walang humpay upang matunton at mahuli ang mga sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa rehiyon,” dagdag ni Nazarro. RNT