Home NATIONWIDE 18 Chinese vessels, namataan sa ilang features ng WPS sa nakalipas na...

18 Chinese vessels, namataan sa ilang features ng WPS sa nakalipas na linggo

161
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Philippine Navy na may kabuuang 18 Chinese vessels ang nasubaybayan sa ilang features ng West Philippine Sea (WPS) sa nakalipas na linggo.

Sa isang update, sinabi ni Philippine Navy spokesperson for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na namataan ang Chinese ships mula February 15 hanggang 22:

Bajo de Masinloc — siyam (apat na People’s Liberation Army Navy, limang China Coast Guard vessels )

Ayungin Shoal — apat (apat na CCGs)

Escoda Shoal – tatlo (dalawang PLANs, isang CCG)

Pag-asa Island —  dalawa (isang PLAN, isang CCG)

Kamakailan, sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na nagkakaroon ng signal jamming sa mga barko ng Pilipinas habang sila ay papalapit sa Bajo de Masinloc sa WPS.

Ayon kay Tarriela, ang Starlink connection ng barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at maging ang PCG vessel MRRV 4409 ay nawawalan ng signal.

Naniniwala siyang ginagawa ng People’s Republic of China ang signal jamming dahil sa tuwing lalapit sila sa loob ng 24 nautical miles o sa Bajo de Masinloc ay doon nawawala ang Starlink signal na maaari umanong makapagpaantala sa paghahatid ng impormasyon at makokompromiso ang komunikasyon sa pagitan ng barko at monitoring units.

Ito rin aniya ang kauna-unahang insidente ng signal jamming na nangyari.

Nangyari ang insidente habang nagsasagawa sila ng maritime domain awareness (MDA) operation matapos mamonitor ang maraming bangkang pangisdaan ng mga Pilipino sa lugar.

Idineploy ng PCG ang isang Coast Guard Islands aircraft, BRP Cabra at BRP Gabriela Silang habang apat na barko naman ang ipinadala ng BFAR upang magbigay ng safety assistance fuel subsidies at yelo sa mga mangingisdang Pilipino.

Humigit-kumulang 35 bangkang pangisdaan ang nakita sa lugar.

Sa parehong misyon, namonitor ng PCG ang tatlong China Coast Guard vessels na nasa layong 33.6 nautical miles mula sa Bajo de Masinloc at isang People’s Liberation Army Navy warship na may bow number 554 na nasa layong 50 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales.

Sinabi ni Tarriela na nagpapatupad ang PCG ng mga kinakailangang contingency plans kung magpapatuloy ang signal interference, ngunit tumanggi siyang magbigay ng detalye tungkol sa mga operasyong ito. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here