Home NATIONWIDE Pagsali muli ng Pilipinas sa ICC iginiit

Pagsali muli ng Pilipinas sa ICC iginiit

157
0

MANILA, Philippines – Dalawang magkahiwalay na House Resolution ang inihain sa Kamara na nagsusulong na magmiyembro muli ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Ang House Resolution 809 ay inihain nina ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago and Kabataan Party-list Rep. Renee Co habang ang House Resolution 811 ay inihain nina Akbayan Party-list Rep. Percival Cendaña, Chel Diokno, Dadah Kiram Ismula at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.

Iginiit ng mga mambabatas na ang pagbalik ng bansa sa ICC ay pagpapakita ng pakikisimpatiya sa mga naging biktima ng drug war.

“Kailangan nating ipakita na hindi kagaya ng dating administrasyon, sinusuportahan natin ang mga biktima ng tokhang at huwad na war on drugs ni Digong,” pahayag ni Cendaña.

Nang hingan ng reaksyon sinabi ni House Deputy Speaker at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega na suportado nya ang panawagan na sumali muli sa ICC.

“Maganda pa rin na pag-aralan maigi kasi we are a founding member… We will support if there is a move to rejoin,” paliwanag ni Ortega.

Ang ICC ay naestablisa sa ilalim ng international treaty na Rome Statute, ang ICC ang syang nag-iimbestiga sa mga indibidwal na sangkot sa mga krimeng genocide, war crimes, crimes against humanity at crime of aggression.

Taong 2019 nang magwithdraw ang Pilipinas sa ICC matapos na maglunsad ito ng imbestigasyon sa drug war noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here