MANILA, Philippines – Gumagana na ang 18 elevator sa anim na istasyon ng EDSA Busway o EDSA Carousel bus rapid transit system.
Sa kalatas ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes, Mayo 20, sinabi na nagsagawa ng inspeksyon si Transportation Secretary Vince Dizon sa EDSA Busway Balintawak station upang masiguro na gumagana na ang mga elevator.
“Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Marcos na tumutok ang gobyerno sa pagtiyak na convenient at accessible ang pampublikong transportasyon lalo na sa mga priority passengers tulad ng senior citizens, buntis at mga PWD (persons with disability),” ani Dizon.
Dagdag pa, “18 elevator ang gumagana sa anim na magkakahiwalay na istayon ng busway, para sa mas madaling biyahe sa mga pasahero.” RNT/JGC