MANILA, Philippines – HINDI kukunsintihin ng Pilipinas ang anumang “act of disrespect” o pambabastos laban sa soberanya ng Pilipinas.
“We will never tolerate any act of disrespect against our sovereignty,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos sa idinaos na ika -127 taong anibersayo ng the Philippine Navy.
“Wala tayong isusuko, wala tayong pababayaan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Sinabi pa ng Pangulo na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon na pangalagaan ang maritime zones ng bansa at “exercise our maritime rights in accordance with international law.”
Binigyang diin din ng Chief Executive ang kahalagahan ng international law, sabay sabing pinanindigan ng Pilipinas ang commitment nito bilang miyembro ng international community.
“We reaffirm our commitment to being a responsible member of the international community engaging in all matters diplomatically and upholding the established principles under International law,” ang sinabi pa ng Pangulo.
Tiniyak naman ng Punong Ehekutibo na ang kanyang administrasyon ay mananatiling determinado na siguruhin ang isang future-ready na Armed Forces of the Philippines (AFP).
Samantala, pinuri naman ng Pangulo ang papel ng Philippine Navy sa pagsasagawa ng maayos na Eleksyon 2025, na may 1,800 na marino ang dineploy.
“They played a key role in ensuring its safe and orderly conduct, particularly in vulnerable areas of the country and in addition, also securing our democracy,” ang winika ni Pangulong Marcos.
Sa nasabing event, bininyagan ng Philippine Navy at kinomisyon ang dalawang bagong naval assets, ang BRP Miguel Malvar (FFG06) at BRP Albert Majini (PG909).
Ang BRP Miguel Malvar (FFG06), isang guided-missile frigate na ang pangalan ay kinuha mula sa huling Filipino general na sumuko sa panahon ng Philippine-American War, dumating mula sa South Korea noong April 4, 2025.
Ang asset ay inihanda para sa anti-ship, anti-submarine, anti-aircraft at electronic warfare systems.
Habang ang BRP Albert Majini (PG909), pang-8 Acero-class Fast Attack Interdiction Craft (FAIC-M), ay ang first locally assembled missile-capable patrol vessel sa bansa.
Hinugot ang pangalan mula kay Medal of Valor awardee Ensign Albert Majini, ang vessel, para sa rapid interdiction at coastal operations, pinuri ang kanyang gallantry sa panahon ng anti-paracy operations sa Basilan noong 1980.
Ang proseso ng pagkomisyon ay nagpalakas sa kakayahan ng Navy na tugunan angn kasalukuyan at umuusbong na maritime threat. Kris Jose