MANILA, Philippines – Dalawa katao ang tinaga ng sariling kaanak nito sa Samboan, southern Cebu.
Sa ulat, pinagtataga ng 30-anyos na lalaki ang kanyang nakababatang kapatid na kinilalang si “Merlito” at nasugatan naman ang kinakasama nitong si “Belen.”
Ang insidente ay nangyari sa Barangay Calatagan, Samboan, gabi ng Mayo 16.
Sa imbestigasyon na isinagawa ng Samboan Police Station, nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang ina at nagreklamo sa social media post ng kanyang babaeng kapatid.
Dito na nagalit ang suspek at ipinag-utos kay Merlito na tumigil na sa pagrereklamo.
Lumala ang sitwasyon at nauwi sa sagutan.
Dahil dito ay kumuha ng machete ang suspek at sinimulang pagtatagain si Merlito. Tinamaan ito sa panga.
Samantala, tinamaan din ang live-in partner ni Merlito sa likod ng ulo nito.
Kaagad naman na sumuko ang suspek matapos ang insidente. RNT/JGC