Home NATIONWIDE 18 ex-Marines ‘hahabulin’ ni Trillanes: $2M galing kay Zaldy, pinasinungalingan

18 ex-Marines ‘hahabulin’ ni Trillanes: $2M galing kay Zaldy, pinasinungalingan

203
0

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ni dating senador Antonio Trillanes IV ang alegasyon na tumanggap siya ng $2 milyon o anumang halaga mula kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co kaugnay ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa umano’y crimes against humanity ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang social media post, pinabulaanan ni Trillanes ang mga pahayag ng 18 dating miyembro ng Philippine Marine Corps na nagsabing naghatid sila ng pera sa kanya bilang bahagi ng umano’y operasyon upang pondohan ang mga imbestigador ng ICC.

“I vehemently deny that I received $2M or any amount from Zaldy Co for the ICC investigation or any other purpose,” ani Trillanes.

Sinabi niya na gawa-gawa lamang ang mga alegasyon at bahagi ng tangkang pahinain ang ICC proceedings laban kay Duterte, na kasalukuyang nahaharap sa confirmation of charges proceedings sa The Hague.

“This is an attempt to discredit the ongoing ICC proceedings,” dagdag niya.

Nag-ugat ang kontrobersiya sa isang press conference sa Mandaluyong City kung saan iginiit ng mga dating Marines, na nagsilbing security officers at executive assistants umano ni Co, na inutusan silang magpalit at maghatid ng cash na umaabot sa $2 milyon na sinasabing para sa ICC investigators at ibinigay kay Trillanes. Inangkin din nilang naghatid sila ng malalaking halaga ng pera sa mga hindi pinangalanang opisyal ng gobyerno.

Tinawag ni Trillanes na “blatant lies” ang mga alegasyon at nangakong magsasampa ng cyberlibel complaints laban sa mga nagpapakalat nito, kabilang sina abogado Levi Baligod, dating mambabatas Mike Defensor, broadcaster Jay Sonza, at ang 18 dating Marines.

“This is not new to me. I will not be distracted. Hahabulin ko kayo,” ani Trillanes.

Dagdag pa niya, bahagi lamang ito ng smear campaign na naglalayong hadlangan ang kaso laban kay Duterte sa ICC. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here