Home METRO 19-anyos arestado sa online child exploitation gamit Roblox

19-anyos arestado sa online child exploitation gamit Roblox

1
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 19-anyos na lalaki dahil sa umano’y paggawa ng child sexual abuse o exploitation materials gamit ang online game na Roblox.

Ayon sa NBI, hinihikayat umano ng suspek ang isang menor de edad na gumawa ng sekswal na aktibidad online at magpadala ng malalaswang larawan kapalit ng Robux, ang virtual currency ng Roblox.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11930 o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act.

Sa digital investigation, nadiskubre rin ng NBI na konektado ang suspek sa ilang CyberTipline Reports tungkol sa online panghihikayat sa mga bata para sa sekswal na pagsasamantala at pamamahagi ng child sexual abuse materials gamit ang iba’t ibang online account.

Lumabas din sa naunang reklamo na gumamit umano ang suspek ng kaparehong paraan laban sa isang 10-anyos na bata sa pamamagitan ng Roblox.

Nasamsam ng NBI ang cellphone ng suspek, kung saan nakita sa forensic examination ang maraming child sexual abuse o exploitation materials. Natuklasan din na aktibo siyang nakikipag-ugnayan sa isang 12-anyos na bata.

Nagsimula ang operasyon matapos ipasa ng Department of Justice – Office of Cybercrime sa NBI ang ulat tungkol sa online panghihikayat sa isang menor de edad para sa paggawa ng child pornography.

Sumailalim na ang suspek sa inquest proceedings sa Office of the Provincial Prosecutor sa Pampanga noong Hulyo 1 para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa ilalim ng RA 11930. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here