Home METRO 19-anyos na tulak, arestado sa buy bust

19-anyos na tulak, arestado sa buy bust

MANILA, Philippines – ARESTADO ang 19-anyos na tulak umano ng ilegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation nang magpositibo ang natanggap ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ni alyas “Cha Cha” ng shabu.

Dakong ala-1:18 ng madaling araw nang dambahin ng mga tauhan ni Col. Cortes ang suspek sa A. Dela Cruz St., Brgy. San Roque, matapos bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 10.43 grams ng hinihinalang shabu na nagkakalahaga ng P70,924 at isang markadong P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Acf 2002. Merly Duero