Home NATIONWIDE 19 kabilang turista, patay sa bus crash sa Nepal

19 kabilang turista, patay sa bus crash sa Nepal

164
0

NEPAL – Patay ang 19 katao kabilang ang isang Briton na turista matapos na dumulas ang isang bus sa Nepal at mahulog sa nagyeyelong ilog.

Ang bus ay mula sa tourist city na Pokhara at patungong Kathmandu, nang mahulog sa mahigit 200 metrong lalim na bangin patungo sa Trishuli River sa Dhading district nitong Lunes, Pebrero 23.

“Out of 44, in total 19 people died, and 25 are undergoing treatment,” ayon kay senior local police officer Prakash Dahal.

Kasabay nito ay kinumpirma na isang British citizen ang kabilang sa mga nasawi.

Sugatan naman ang isang Chinese national at New Zealander.

Ayon kay Mohan Prasad Neupane, information officer ng district administration office, nakumpleto na ang rescue operation sa insidente.

“The injured are undergoing treatment,” sinabi ni Neupane. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here