Home NATIONWIDE Isang batalyon ng pulis ipinadala sa Maynila sa paggunita ng EDSA People...

Isang batalyon ng pulis ipinadala sa Maynila sa paggunita ng EDSA People Power anniversary

146
0

MANILA, Philippines – Nagpadala ng isang batalyon ng pulis ang National Capital Region Police Office (NCRPO) mula sa Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Maynila para sa ika-40 anibersaryo ng EDA People Power Revolution.

Inaasahan kasing daragsa ang mga pagkilos ng ibat-ibang grupo kaya naman nagpadala ang NCRPO ng mga pulis para sa dagdag seguridad sa pagdarausan ng protesta sa ilang bahagi ng Maynila.

Ipapakalat ang mga pulis na nagmula pa sa kalapit na lalawigan sa mga pangunahing protest area tulad ng Mendiola at US Embassy.

Tiniyak ng Manila Police District (MPD) na paiiralin ang maximum tolerance sa mga gagawing protesta bilang paggalang sa kalayaan sa pagpapahayag at karapatan pantao.

Pero muling iginiit ng MPD na kung may masasangkot sa mga paglabag at karahasan ay ipatutupad nila ang nararapat na batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here