Home HOME BANNER STORY 19 lugar sa bansa, may banta ng mapanganib na heat index ngayong...

19 lugar sa bansa, may banta ng mapanganib na heat index ngayong araw – PAGASA

MANILA, Philippines – Inaasahang aabot sa mapanganib na lebel ng heat index ang 19 lugar sa bansa ngayong Sabado, Abril 20.

Ayon sa heat index forecast ng PAGASA, makararanas ng temperaturang mula 42 degrees Celsius hanggang 44 degrees Celsius ang mga sumusunod na lugar:

Dagupan City, Pangasinan – 44°C
Bacnotan, La Union – 42°C
Aparri, Cagayan – 42°C
Tuguegarao City, Cagayan – 42°C
Iba, Zambales – 42°C
Ambulong, Tanauan Batangas – 42°C
Coron, Palawan – 42°C
Puerto Princesa City, Palawan – 42°C
Aborlan, Palawan – 44°C
Virac (Synop), Catanduanes – 42?°C
CBSUA-Pili, Camarines Sur – 43°C
Roxas City, Capiz – 43°C
Iloilo City, Iloilo – 42°C
Dumangas, Iloilo – 43°C
Catarman, Northern Samar – 44°C
Guiuan, Eastern Samar – 43°C
Zamboanga City, Zamboanga del Sur – 43°C
Davao City, Davao del Sur – 42°C
Cotabato City, Maguindanao – 43°C

Nananatiling may lowest heat index naman ang Baguio City sa 27 degrees Celsius, na nasa caution level lamang.

Ayon sa PAGASA, ang ‘danger’ level ng heat index ay maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke. RNT/JGC