Home METRO 19 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Lucena

19 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Lucena

LUCENA CITY, Quezon- Nawalan ng tahanan ang 19 pamilya o 70 indibidwal sa sunog sa Barangay 9 sa lugar na ito nitong Sabado, Hunyo 8.

Nawasak ang 18 kabahayan sa pagliyab na nagsimula ng alas-6 ng hapon.

Idineklarang under control ang sunog ng alas-7:52 ng gabi.

Tinatayang aabot sa P900,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian.

Hindi pa natutukoy ang mitsa ng insidente, ayon kay arson investigator Senior Fire Office 3 Ferdinand V. Gapit.

Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente. RNT/SA