Home NATIONWIDE 195 red zones tinukoy sa Bacolod, tinukoy kasunod ng sunog na tumupok...

195 red zones tinukoy sa Bacolod, tinukoy kasunod ng sunog na tumupok sa 94 tirahan

MANILA, Philippines – Bubuo ng task force si Mayor Alfredo Abelardo Benitez ng Bacolod City para ipatupad ang safety measures sa nasa 195 “red zones” sa lungsod upang maiwasan ang pagsiklab ng mga sunog.

Nakipagkita si Benitez sa mga representative ng iba’t ibang departamento ng lungsod at ahensya ng pamahalaan noong Lunes, Agosto 5 upang pag-usapan ang preventive measures matapos na tupukin ng apoy ang 94 tirahan sa Purok Kagaykay sa Barangay 2 at Purok Kingfisher sa Barangay 16 noong nakaraang linggo.

“They (Bacolod Fire Department) have identified 195 red zones but are still counting. The estimate will be over 200 red zones that will be given priority to ensure the implementation of safety measures,” ani Benitez.

Ang red zones ay karaniwang inookupahan ng informal settlers kung saan hindi nasusunod ang mga safety standard.

Anang alcalde, ito ang mga lugar kung saan ang mga tirahan ay gawa sa light materials at hindi rin nasusunod ang kailangang distansya sa pagitan ng mga istrukturang ito.

Sa building code, obligado na magkaroon ng minimum distance na dalawang metro sa pagitan ng mga bahay.

Kabilang sa mga problema sa red zone ay ang masisikip na daanan dahilan para hindi agad makaresponde ang mga bumbero.

Ani Benitez, si Councilor Psyche Marie Sy, na namumuno sa city council committee on fire, social defense, and natural disaster, ang mangunguna sa pagtukoy ng red zones.

Anang alkalde, kabilang sa mga pagsubok sa pagpapatupad ng safety measures ay ang land ownership.

Makikipag-usap umano sila sa mga may-ari ng lupa upang Tingnan kung papayag ang mga ito sa city plan sa pagpapatupad ng ilang safety measures. RNT/JGC