Home NATIONWIDE 1st Classroom Summit inilunsad ng DepEd sa pagtugon sa construction delays

1st Classroom Summit inilunsad ng DepEd sa pagtugon sa construction delays

251
0

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes, Nobyembre 20 ang kauna-unahang Classroom Summit upang tugunan ang matagal nang problema sa pagkaantala ng mga proyekto sa pagtatayo ng silid-aralan sa gitna ng pambansang classroom shortage.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layon ng summit na palakasin ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor at tiyakin ang transparency at accountability sa education infrastructure.

“We all know this is one of our more intractable problems at DepEd, and we’re hoping today’s activities will help provide clear solutions and ways forward,” ani Angara.

Dumalo sa summit ang kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan, pribadong kontratista, lokal na pamahalaan at development partners.

Inilunsad din sa naturang aktibidad ang Strategic Resource Inventory for Deployment Efficiency (STRIDE) Dashboard para magamit ng DepEd field offices sa pag-aanalisa ng mapped data at paggawa ng mas “grounded” na desisyon. Nagsisilbi rin itong platform para sa datos sa enrollment, staffing at infrastructure.

Kabilang sa mga naging talakayan ang contractor accreditation, climate-resilient designs, financing options, at tamang implementasyon ng mga kontrata. Nagkaroon din ng engagement sessions para sa mas maayos na planning at procurement readiness.

Tinalakay rin ng stakeholders ang classroom prototypes at ang construction capacity bilang paghahanda sa mas flexible infrastructure program ng DepEd para sa 2026.

Nauna nang iniulat ng DepEd na may tinatayang 165,000 classroom backlog sa buong bansa noong 2022. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here