Home NATIONWIDE 1st tranche ng tulong-pinansiyal naibigay na sa survivors ng Houthi attack –...

1st tranche ng tulong-pinansiyal naibigay na sa survivors ng Houthi attack – DFA

MANILA, Philippines- Natanggap na ng Filipino survivors ng Houthi missile attack sa Gulf of Aden ang first tranche ng tulong pinansiyal.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mas maraming tulong ang maaasahan ng mga ito sa oras na makabalik na sila ng Pilipinas.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Undersecretary for Migration Eduardo Jose de Vega na ang team mula sa Philippine Embassy sa Cairo ay bumiyahe patungong Djibouti para personal na iabot ang tulong na nagkakahalaga ng USD1,000 kada isang seafarer.

Tiniyak naman ni De Vega na 11 mula sa 13 survivors ang magbabalik-Pinas gaya ng itinakda, kabilang na ang isa sa tatlong sugatan. Ang dalawang natitira naman ay mananatili sa Djibouti hospital habang nagpapagaling matapos magtamo ng matinding sugat.

Sinabi ni De Vega na ang dalawa ay maaaring pauwiin sa susunod na mga araw at maaaring iuwi sa bansa sa pamamagitan ng air ambulance.

Samantala, tinatrabaho na ng kanilang manning agency na dalhin ang M/V True Confidence sa malapit na daungan at mabawi ang mga labi ng tatlong nasawi, dalawang Filipino nationals at isang Vietnamese.

Sinabi ni De Vega na may ilang opisyal ng gobyerno kabilang na ang mga mambabatas ang sasalubong sa 11 seafarers, Martes ng gabi, Marso 12, at magbibigay ng “more assistance packages.”

Tinuran pa ni De Vega na tatanungin ng gobyerno ang mga ito sa isang debriefing kung binigyan sila ng opsyon na tanggihan na maglayag sa pamamagitan ng Gulf of Aden, isang lugar kung saan kamakailan ay classified bilang ‘high-risk area’ para sa seafarers.

“Certainly, we will encourage the DMW (Department of Migrant Workers) to check on this. Kung napilitan ba itong 15, we can ask them tonight when they arrive,” aniya pa rin. Kris Jose

Previous articleNegosyante gumanti ng saksak sa kagat ng aso, arestado!
Next articleHigit 50 Chinese ships, fishing boats namataan sa WPS