Home HOME BANNER STORY 2.04 milyong Pinoy tambay noong Abril 2024

2.04 milyong Pinoy tambay noong Abril 2024

MANILA, Philippines – Tumaas ang unemployment rate ng bansa sa 4.0 percent noong Abril mula sa 3.9 percent noong Marso.

Gayunpaman, ito ay mas mababa kumpara sa 4.5 porsyento sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nangangahulugan ito na may tinatayang 2.04 milyong Pilipinong walang trabaho noong Abril 2024.

Ang labor force participation rate (LFPR) noong Abril 2024 ay 64.1 porsyento, na may kabuuang 50.40 milyong Pilipino na may edad 15 taong gulang pataas ang nakikilahok sa lakas paggawa.

Sa karaniwan, ang mga may trabahong indibidwal ay nagtrabaho ng 40.5 oras bawat linggo noong Abril 2024. RNT