Home NATIONWIDE 2.2M pamilya apektado ni Kristine, Leon – NDRRMC

2.2M pamilya apektado ni Kristine, Leon – NDRRMC

MANILA, Philippines- May kabuuang 2,200,731 pamilya o 8,630,663 katao ang apektado ng tropical cyclones Kristine at Leon.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang apektadong populasyon ay nasa 12,053 barangay.

Sa situational report ng NDRRMC, may kabuuang 227,133 katao o 56,396 pamilya ang nanunuluyan sa 1,467 evacuation centers, habang 521,858 katao o 108,941 pamilya ang nananatili sa labas ng evacuation centers.

Nananatili naman ang death toll sa 146, na may 126 para sa balidasyon o pagpapatunay.

Samantala, may 130 ang nasugatan kung saan 120 ng validated na.

Sa ulat, sinasabing naapektuhan ni Kristine at Leon ang 858 road sections at 110 tulay.

Hanggang nitong Linggo, may 703 lansangan at 92 tulay ang nadaraanan na.

Sa 367 lungsod at munisipalidad na nawalan ng suplay ng kuryente sa panahon ng pananalasa ng cyclones, 323 naman ang naibalik na ang suplay ng kanilang kuryente.

Sa kabilang dako, may 50 lungsod at munisipalidad ang naapektuhan ang water supply, 43 naman ang naibalik na ang kanilang water service.

Mayroon namang 65 lungsod at munisipalidad ang naputol ang kanilang communication lines subalit mayroon namang 17 ang naibalik na.

May 48 lungsod at munisipalidad ang nananatiling putol ang komunikasyon.

Sinabi ng NDRRMC na mayroong tatlong airports ang naapektuhan ng Kristine at Leon, subalit ang lahat ng ito ay operational na.

Samantala, 96 seaports ang naapektuhan sa panahon ng pananalasa ng cyclones. May 75 naman ang operational at nagpatuloy na ang byahe.

Ang bilang ng mga stranded passengers ay 2,141 habang ang rolling cargoes ay 502, vessels ay 19, at motor banca ay isa.

May kabuuang 189,340 bahay ang napinsala ng Kristine at Leon, ang kabuuang damage cost ay P3,480,770.

Pumalo sa P4,526,481,853.51 ang agricultural damage kumakatawan sa production loss o cost of damage sa halaga.

May kabuuang 106,715 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.

Samantala, 05 irrigation facilities ang nasira na nagkakahalaga sa P1,031,418,000.

Ang Infrastructure damage ay umabot naman sa P7,212,262,651.45 kung saan 946 istraktura ang apektado.

Sinabi ng NDRRMC na may 2,166,624 pamilya ang kailangan ng tulong na nagkakahalaga ng P1,158,308,265.82.

“So far, as per its tally, 750,196 families or 34.63% of families affected have already been assisted,” ayon sa NDRRMC.

Ang local government units at regional agencies ay ipinagkalooban naman ng tulong na nagkakahalaga ng P2,549,371.31. Kris Jose