Home NATIONWIDE 2 Amerikanong pedophile hinarang ng BI

2 Amerikanong pedophile hinarang ng BI

MANILA, Philippines – HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) sa Angeles City, Pampanga na pumasok sa bansa ang dalawang Amerikanong nahatulan ng mga sex offenders sa kanilang bansa.

Sa isang pahayag, kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang mga hinarang na pasahero na sina Jeremy Paul Beazer, 45, at Michael Antonio Rios, 54, na pinabalik sa kanilang pinanggalingan nang dumating sila sakay ng magkakahiwalay na flight ng Eva Air mula Taipei.

Ayon sa BI, naharang si Beazer nang dumating noong Abril 4 habang si Rios muling pinaalis ng bansa noong Abril 8.

Sinabi ni Viado na hindi pinapasok ang dalawa alinsunod sa probisyon sa immigration act na nagbabawal sa pagpasok ng mga dayuhan na nahatulan ng mga krimen na may kinalaman sa moral turpitude.

“Our intention here is to prevent these convicted sexual predators from preying on our women and children, anyone of whom could be their next victim if we allow them to enter our country,” giit ni Viado.

Batay sa rekord, noong 2001 hinatulan ng korte ng US si Beazer para sa crime of carnal kung saan ang biktima ay wala pang 12 taong gulang habang si Rios na ipinanganak sa Nicaraguan, ay nahatulan noong 1989 para sa sexual assault sa isang bata.

Ang parehong Amerikano ay agad na nai-book sa unang flight pabalik sa kanilang daungan o pinanggalingan matapos silang tanggihan na makapasok sa bansa.

Pagkatapos ay inilagay sila sa immigration blacklist, na epektibong nagbabawal sa kanilang muling pagpasok sa Pilipinas. JAY Reyes