Home OPINION TAKOT BANG MATANONG SA ISYU SI SENADORA?

TAKOT BANG MATANONG SA ISYU SI SENADORA?

MISMONG mga residente lalo’ng mga botante ng Las Piñas ang nagtatanong na tila hindi na kinakaya ang mga ipinupukol na negative issues sa kanilang pamilya lalo na ng kanilang katunggali sa pulitika sa lungsod.

Halos iisa ang naging obserbasyon ng mga ito sa panayam ng Good Riddance matapos hindi siputin at isnabin ni Sen. Cynthia Villar ang ginanap na March 27 unity walk and peace covenant ng mga kandidato para sa mapayapang May 12 midterm elections na in-organize ng Commission on Elections at pulisya.

Sa apat na kandidato sa pagka-congressman, kabilang si Councilor Mark Anthony Santos, tanging si Villar lang at kai-isang kandidatong hindi sumipot sa nasabing mahalagang okasyon.

Marami tuloy sa taga-lungsod ang nagi-isip na talagang hindi na rin kaya nito ang sumabak pa lalo sa local politics lalo’t 75-years old na siya at tila hirap na rin sa paglalakad.

Sa pangalawang okasyon, aba‘y muling hindi sinipot ang candidates’ forum (debate) na pinangunahan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting noong April 5 sa University of Perpetual Help auditorium.

Sa kanyang pag-iwas, lalo namang lumakas pa ang suporta at simpatiya ng mga tao kay Santos, na sa kabila umano ng pagmamaliit ng mga Villar sa kakayahan nito ay nanatili itong humble.

Ayon sa local political observers, ang hindi pagsipot ng senadora sa nasabing dalawang pagtitipon ay posibleng malaking boto ang mawawala sa kanya pati sa anak nitong si Camille, na gustong humalili sa kanya sa senado.

Ayon sa FB page na Bantay Las Piñas, kaya raw hindi sumipot itong si senadora sa peace covenant ay dahil umano’y may masamang balak ito na gagawin sa darating na halalan.

Sa komento ni Protacio Bucio sa FB post, “wala naman respeto ’yan (Villar) sa kapwa niya kandidato. Kasi maliit tingin niya sa lahat ng tao.“

Ayon sa ating source sa Villar camp, sadyang hindi lalahok sa mga debate ang senadora dahil takot itong mapag-usapan o matanong sa isyu sa political dynasty, land grabbing at vote buying.

Iniiwasan din daw nito na maungkat sa candidate’s forum ang tungkol sa hindi pagbayad sa city government ng kanilang pamilya sa amilyar ng kanilang mga negosyo na umabot na sa milyong halaga hanggang ngayong 2025.