Home METRO 2-anyos, 6 pa patay sa banggaan ng van at trak sa Quezon

2-anyos, 6 pa patay sa banggaan ng van at trak sa Quezon

(Photos courtesy Janine Garcia)

MAYNILA – Pitong katao, kabilang ang isang 2-anyos na babae, ang nasawi habang walo ang sugatan nang magbanggaan ang isang pampasaherong van at delivery truck sa Sariaya, Quezon, Linggo ng madaling araw.

Sinabi ni Lt. Col. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Police Regional Office-Calabarzon, na dead on the spot ang driver ng van at dalawa sa anim na pasahero. Ang apat pa ay binawian ng buhay sa ospital.

Ayon sa mga ulat, nangyari ang aksidente dakong 5:30 ng umaga sa Maharlika Highway sa Barangay Sto. Cristo matapos “lumihis at umokupa” si Bermudo sa kabilang linya, at bumangga sa isang trak na patungo sa timog.

Nagpapagaling sa ospital ang pito pang pasahero ng van na kinilalang sina Ariel Caliro, Louis Aldea, Antero Vergara, Gilber Caliro, Jomar Caliro, Anjo Caliro, at Sarah Concepcion.

Sugatan din ang driver ng truck na si Crisanto Saculo. RNT