Inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office na posibleng umaabot sa P204.5 milyong ang jackpot sa GrandLotto 6/55.
Habang ang Megalotto 6/45 ay aabot sa P8.9 milyon ang jackpot prize sa magkasabay na bobolahin mamayang gabi sa puning-tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.
Samantala, hindi naman nahulaan ng mananaya ang katatapos na draw kagabi ng UltraLotto 6/58 na may kumbinasyon na 32-52-29-48-31-07 na may premyong P96,264,094.00. Habang isang mananaya naman ang makakapag-uwi ng P120,000.00 makaraang makakuha ng limang numero.
Ang SuperLotto 6/49 naman na may kumbinasyon na 19-30-01-42-39-45 at may premyong P15,840,000.00 ay wala rin may nakahula sa kumnibasyon. Subalit anim na indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P50,000.00 makaraang makakuha ng limang numero. Toto Nabaja