Home METRO 2-anyos na paslit sapul ng closed van sa Caloocan

2-anyos na paslit sapul ng closed van sa Caloocan

1
0

MANILA, Philippines -Nakaligtas kay kamatayan ang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos mabangga ng closed van habang tumatawid sa kalsada sa North Caloocan City.

Ang insidente ay nangyari noong Setyembre 24 kung saan makikita sa CCTV footage ang closed van na patungo sa Amparo sa Sanana Road, Barangay 180 nang biglang tumawid ang bata na walang kasamang magulang.

Agad na nahila sa ilalim ng van ang bata at dinala sa ospital.

Nakaligtas ito sa insidente na nagtamo ng mga pasa sa braso at sugat sa dibdib.

Aminado ang lola ng biktima na hindi niya nabantayan ang anak nang araw na iyon.

Aniya, iniwanan ng mga magulang nito ang bata sa kanya nang araw na iyon para magtungo naman sa prenatal checkup.

Nagkaayos na ang pamilya ng bata at drayber ng van. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here