Home NATIONWIDE Graduate mula Batangas nanguna sa geodetic licensure exam

Graduate mula Batangas nanguna sa geodetic licensure exam

1
0

MANILA, Philippines – Nanguna ang graduate ng Batangas State University – Alangilan sa licensure examination para sa geodetic engineers na ginanap ngayong buwan, ayon sa Professional Regulation Commission.

Ayon sa PRC, 842 sa 1,482 ang pumasa sa pagsusulit na isinagawa ng Board of Geodetic Engineering sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cebu, Davao, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Puerto Princesa.

Nakakuha ng pinakamataas na score na 90.60 si Ma. Alexa Landicho Sy Tamco, habang ang kanyang alma mater na BatStateU Alangilan din ang nangunang paaralan sa may 10 o higit pang examinees, matapos pumasa ang lahat ng 61 kumuha ng exam.

Pumantay sa 100% passing rate ang Visayas State University, kung saan pumasa rin ang lahat ng 28 examinees nito.

Ang listahan ng mga matagumpay na pumasa sa naturang pagsusulit ay maaaring bisitahin sa opisyal na website ng PRC. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here