Home NATIONWIDE Pope Leo nanawagan ng kapayapaan sa giyera sa Ukraine

Pope Leo nanawagan ng kapayapaan sa giyera sa Ukraine

1
0

VATICAN – Nanawagan si Pope Leo sa Metz, France na dapat handang magparaya ang mga negosyador para matapos ang giyera sa Europe, sa gitna ng patuloy na digmaan ng Russia at Ukraine.

Babala niya, bumalik na ang giyera sa Europe na kumikitil ng maraming sibilyan araw-araw.

Tutol din ang Santo Papa, sa paniniwalang rearmament ang solusyon at iginiit na dapat magpakita ng tapang sa negosasyon para sa kapayapaan.

Pinuri rin ng kauna-unahang US Pope ang integration at multiculturalism, at hinimok ang Europe na alalahanin ang rule of law at pagkakapantay-pantay.

Nanawagan din siya na tanggapin at bigyan ng legal at ligtas na pathway ang mga migrante, habang binatikos ang hardline immigration policy ni US President Donald Trump.

Nauna na niyang binalaan na nasa krisis ang UN at nanganganib maging “charade” ang international dialogue. Jocelyn Tabangcura- Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here