Home METRO 2 arestado sa pagbebenta ng P1-M tobats

2 arestado sa pagbebenta ng P1-M tobats

219
0

SANNGUILLERMO, Isabela – Arestado ang dalawang tinaguriang High Value Individuals (HVI) sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga kapulisan at operatiba ng PDEA sa Purok Nieto, Barangay Batal, Santiago City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Jackie,” 53 anyos, babae, may asawa at tubong Marawi City; at alyas “Henry,” isang drayber, may asawa, at residente ng Santiago City.

Dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang City Drug Enforcement Unit ng Santiago City Police Office (SCPO), katuwang ang iba pang yunit ng SCPO at ang PDEA Quirino, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nasamsam ng mga awtoridad sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na mahigit 148 gramo at tinatayang Standard Drug Price na higit Php.1 Milyon.

Kabilang sa mga nakumpiskang droga ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 30.2 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php205,360.00 na ginamit bilang buy-bust item, at isa pang sachet na may timbang na tinatayang 118.2 gramo na may halagang Php803,760.00 na nakuha sa mismong pag-iingat ng mga suspek.

Bukod sa droga, narekober din ang ₱200,000.00 at 199 na piraso ng isang libong piso na boodle money, dalawang itim na Android cellphone, isang itim na sling bag, at isang motorsiklo.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here