Home NATIONWIDE 2 babae nasagip ng BI sa human trafficking

2 babae nasagip ng BI sa human trafficking

187
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang babae, 25 at 26 anyos, na nagpapanggap na empleyado ng Kongreso habang sinubukang maipadala sa Vietnam at Bulgaria para sa ilegal na trabaho.

“These are clear indicators of human trafficking—fake employment documents, false declarations, and instructions to wait for papers in another country,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado.

Nagpakilala muna ang mga biktima bilang turista at nagsabing encoder sa House of Representatives, ngunit natuklasan ng mga immigration officer na pekeng dokumento ang kanilang dala.

Aminado sila na na-recruit ng isang babae online at binayaran ng higit P100,000 bawat isa para sa mga papeles.

Ipinasa ang dalawang babae sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa tulong at pag-file ng kaso laban sa recruiter.

Binantayan din ng BI ang publiko laban sa mga pekeng job offers abroad at pinaalalahanang kumuha ng tamang dokumentasyon para sa legal na trabaho sa ibang bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here