Home NATIONWIDE Mas mahigpit na aksyon sa basura ngayong Zero Waste Month, ipinanawagan ni...

Mas mahigpit na aksyon sa basura ngayong Zero Waste Month, ipinanawagan ni Sen. Legarda

233
0
TULONG-TULONG sa pagtatanggal ng sangkaterbang basura na nakaharang sa daluyan ng tubig ang mga tauhan ng MMDA Flood Control sa Maligaya Creek Brgy. 120, Caloocan City.Ito ang nagiging sanhi ng matindi pagbaha sa ibat-ibang lansangan tuwing bumubuhos ang ulan dahil sa walang disiplinang pagtatapon ng basura. JOJO RABULAN

MANILA, Philippines – Sa pagdiriwang ng National Zero Waste Month ngayong Enero, nanawagan si Senator Loren Legarda ng mas matibay na aksyon laban sa lumalalang problema ng basura sa Pilipinas.

Ayon sa kanya, habang lumalawak ang kamalayan at mga community initiatives, kailangan ng mas malalim na reporma at kolektibong pagkilos.

“Zero Waste initiative is a national imperative. We must move beyond awareness into stronger, decisive action. Every Filipino has a responsibility, and every institution must rise to the challenge of safeguarding our environment and future generations,” sabi ni Legarda.

Batay sa World Bank 2025 What a Waste report, ang Pilipinas ay ika-27 sa 50 bansa sa dami ng municipal solid waste, na umaabot sa 14.6 milyon tonelada bawat taon, kung saan malaking bahagi ay plastik.

Ayon kay Legarda, ang maling pagtatapon ng basura ay nagpapalala sa baha at panganib sa kaligtasan ng publiko.

“Flooding is never just about rainfall; it is worsened by garbage choking our rivers and esteros. Every piece of trash becomes a barrier that endangers lives. Stronger waste discipline is the safeguard we can build together,” dagdag niya.

Ipinagpatuloy ni Legarda ang kanyang panawagan para sa producer responsibility, community empowerment, at suporta sa waste workers, at hinimok ang lahat na isagawa ang mga konkretong aksyon para sa isang malinis at maayos na kapaligiran. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here