Home HOME BANNER STORY Impeachment case vs PBBM, “political noise” lang – solon

Impeachment case vs PBBM, “political noise” lang – solon

254
0

MANILA, Philippines – Tinanggihan ng ilang miyembro ng House of Representatives ang balitang may planong i-impeach si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sinabing wala pang pormal na reklamo at dapat nakabatay sa malinaw na ebidensya at Konstitusyon.

Ayon kay Rep. Jude Acidre, ang impeachment ay seryosong proseso at hindi dapat batay sa tsismis o political pressure.

Sinabi naman ni Rep. Zia Alonto Adiong na ang mga rumor ay “political noise” at posibleng taktika para ibaluktot ang pansin mula sa mga usaping korapsyon gaya ng flood control mess.

Samantala, ang Makabayan bloc ay nagsabi na wala silang alam na impeachment laban sa Pangulo, ngunit naniniwala sila na may grounds dahil sa umano’y plunder at mga alegasyon ng kickbacks sa infrastructure projects.

Sila rin ay nagbabalak maghain ng bagong impeachment laban kay VP Sara Duterte sa Pebrero. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here