Home HOME BANNER STORY 2 babae tiklo sa pagpuslit ng P1.3M shabu sa kulungan sa Antipolo

2 babae tiklo sa pagpuslit ng P1.3M shabu sa kulungan sa Antipolo

MANILA, Philippines – Inaresto ang dalawang babae na nagtangkang ipasok ang P1.3 milyong halaga ng shabu sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology facility sa Antipolo City, Rizal.

Sa report ng Police Region 4A, nagsumbong ang jail personnel bandang alas-4 ng hapon, na nakatanggap sila ng tip na mayroong dalawang babaeng visitor na kinilalang si “Saly” at “Kath” na may dalang illegal na droga.

Nang dumating ang mga pulis, nakita nila ang dalawang bisita na nakaupo sa receiving area ng holding section para sa male detainees.

Inimbitahan ng jail personnel ang dalawang babae sa search room. Sa pagsisiyasat ay nakita ng mga awtoridad ang dalawang knot-tied plastic ng shabu na nakalagay sa loob ng condom.

Tumitimbang ng 250 gramo ang shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000.

Napag-alaman na ang mga suspek ay nasa watch list bilang high-value individuals sa local drug trade.

Hindi na tinukoy kung sino sa mga detainee ang tatanggap ng illegal na droga.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya kung sino ang source ng shabu.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

Previous articleDENR nag-isyu ng closure order vs resort sa paanan ng Chocolate Hills noong nakaraang taon
Next articleNational ID nangunguna sa listahan ng valid IDs – BSP