Home HOME BANNER STORY DENR nag-isyu ng closure order vs resort sa paanan ng Chocolate Hills...

DENR nag-isyu ng closure order vs resort sa paanan ng Chocolate Hills noong nakaraang taon

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Miyerkules, Marso 13, na nag-isyu na ito ng temporary closure order at notice of violation laban sa viral na resort na nakapwesto sa paanan ng Chocolate Hills sa Bohol.

Ayon sa DENR, ang closure order ay inilabas laban sa Captain’s Peak Resort noong Setyembre 6, 2023.

Samantala, ang Notice of Violation sa project proponent ay ipinadala sa resort noong Enero 22, 2024 dahil sa pag-ooperate na walang environmental compliance certificate.

Sinabi ng DENR na bumuo na rin ito ng team para inspeksyunin ang pagsunod ng resort sa closure order.

“As of March 13, 2024, the Regional Executive Director Paquito D. Melicor issued a Memorandum directing PENRO (Provincial Environment and Natural Resources Office) Bohol Ariel Rica to create a team to conduct inspection at Captain’s Peak for its compliance with the Temporary Closure Order,” saad sa pahayag ng DENR.

Matatandaan na nag-viral ang video ng isang vlogger kung saan ipinapakita nito ang resort na matatagpuan mismo sa paanan ng isa sa mga burol ng Chocolate Hills. RNT/JGC

Previous articleTINGNAN: Sunog sumiklab sa PGH
Next article2 babae tiklo sa pagpuslit ng P1.3M shabu sa kulungan sa Antipolo