Home METRO 2 babaeng galing sa lamay, patay matapos pagsasaksakin sa Pangasinan

2 babaeng galing sa lamay, patay matapos pagsasaksakin sa Pangasinan

163
0

SAN CARLOS CITY, Pangasinan — Patay ang dalawang magkaibigang babae matapos pagsasaksakin sa loob ng isang bahay sa Barangay Balaya, San Carlos City.

Base sa awtoridad, nakita ang duguang katawan ng isa sa mga biktima sa loob ng bahay madaling araw ng Huwebes. Ang isa naman ay nakalabas pa ng bahay at natagpuan sa kalsada, ngunit idineklarang patay din sa ospital.

Ayon sa kaanak ng isa sa mga biktima, galing sa lamay ang dalawa at pansamantalang nakitulog sa bahay ng kaibigan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang salarin at motibo sa krimen.

Mayroon nang person of interest ang mga awtoridad ngunit tumanggi silang pangalanan ito habang isinasagawa pa ang imbestigasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here