Home HOME BANNER STORY 2 bangkay nahukay sa hinihinalang pinaglibingan ng nawawalang beauty queen, nobyo

2 bangkay nahukay sa hinihinalang pinaglibingan ng nawawalang beauty queen, nobyo

Larawan mula sa X (@ABSCBNNews)

TARLAC- Nadiskubre ng mga awtoridad ang hinihinalang mga labi ng beauty queen na si Geneva Lopez at kanyang Israeli fiancé na si Yitchak Cohen na dalawang linggo nang nawawala.

Nahukay ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang naagnas na mga bangkay ng isang lalaki at isang babae sa liblib na quarry site sa Barangay Sta. Lucia in Capas, Tarlac nitong Sabado ng umaga.

Kasunod ito ng pagbibigay ng impormasyon ng isang key witness sa kaso.

Hinihintay ng mga kaanak ng dalawa na matukoy ang mga bangkay.

Magsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad, kabilang ang autopsy upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay at DNA testing at analysis upang makumpirma ang pagkakakilanlan ng mga labi.

Huling nakita sina Lopez at Cohen noong Hunyo 21 sakay ng isang SUV patungong Tarlac para sa transakyon sa lupain sa lalawigan.

Natagpuan naman ang sinakyan nilang SUV na sinunog at inabandona sa Barangay Cristo Rey sa Capas noong Hunyo 22.

Natukoy ng Philippine National Police ang pitong persons of interest sa kaso, kabilang ang middleman o ahente ng property na bibilhin umano ng magkasintahan. RNT/SA