Home METRO Babaeng bumibisita sa kulungan swak sa selda sa ilegal na droga

Babaeng bumibisita sa kulungan swak sa selda sa ilegal na droga

PAGBILAO, Quezon- Arestado ang isang 41-anyos na babae matapos madiskubre ang hinihinalang shabu sa loob ng kanyang maselang bahagi habang bumibisita sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) District Jail sa Barangay Talipan, sa bayang ito, nitong Huwebes.

Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Charmaine Loreno, walang asawa, residente ng Purok Maligaya, Barangay 5, Lucena City, Quezon.

Nadakip si Loreno sa Central Processing Desk matapos mabuking ni Jail Officer 2 Everly Regio Escobilla ang kontrabando habang kinakapkapan ang mga bisita.

Itinago ang item sa maliit na bilog na package na ibinalot sa itim na electrical tape.

Nasamsam mula sa suspek ang hinihinalang shabu na ma timbang na 38.77 gramo at may street value na P790,908.

Nahaharap siya sa drug-related charges. RNT/SA