Home METRO 2 bank employees kalaboso sa panggagahasa sa 17-anyos!

2 bank employees kalaboso sa panggagahasa sa 17-anyos!

CEBU CITY- Arestado ang isang bank supervisor at account officer dahil sa umano’y panghahalay sa isang 17-anyos na babae sa Carcar City, Cebu nitong Biyernes.

Nalambat ang mga suspek na edad 28 at 24 sa isang hot-pursuit operation nitong Biyernes ng umaga.

Sinabi ni Carcar police chief Police Lt. Col. Bryan O’Neil Salvacion na dinakip ang mga suspek matapos magreklamo ng biktima at kanyang kasintahan sa mga pulis.

Ayon sa biktima, ginahasa siya dakong alas-2 ng madaling araw sa likod ng bangko kung saan nagtatrabaho ang mga suspek.

Batay sa mga pulis, sa bangko ring iyon nagtatrabaho ang nobyo ng biktima.

Paglalahad ng biktima, hinihintay niya ang kanyang kasintahan nang dumating ang mga suspek at hilahin siya sa madilim na lugar saka pagsamantalahan. Aniya pa, lasing ang mga suspek nang maganap ito.

Inilahad din niya na kinuha ng mga suspek ang kanyang cellphone at tinakpan ang kanyang bibig upang hindi siya makasigaw.

Ayon sa mga pulis, nasa bangko pa ang mga empleyado nang oras na iyon dahil mayroong event.

Habang pauwi sila, nagsumbong ang babae sa kanyang kasintahan na monolestiya siya. Iniulat nila ang insidente sa mga awtoridad na umaresto sa mga suspek. RNT/SA

Previous articleTirada ni Estrada pinalagan ni Zamora
Next articleNFA execs na iniimbestigahan inihirit na boluntaryong mag-leave