Home NATIONWIDE Tirada ni Estrada pinalagan ni Zamora

Tirada ni Estrada pinalagan ni Zamora

MANILA, Philippines- Itinanggi ni San Juan Mayor Francis Zamora nitong Biyernes ang mga alegasyon ni Senator Joseph Victor “JV” Ejercito na naghihiganti ang una sa mga residente ng lungsod na mga taga-suporta ng karibal nal Ejercito Estrada clan.

Sa isang panayam, pinabulaanan ni Zamora ang pagkakait sa sinumang San Juan workers ng employment benefits.

Kamakailan ay sinabi ni Ejercito na hindi pa nailalabas ng San Juanang terminal leave pay ng halos 20 retiradong city government employees, karamihan umano sa kanila ay nagtrabaho sa ilalim ng Ejercito Estrada family.

Aniya pa, kinuha umano ang cash aid mula sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula sa mga benepisyaryo at ibinigay sa alkalde at mga piling local officials. Hirit ng senador, huwag umanong idamay ni Zamora ang ordinaryong residente ng San Juan sa kanilang away.

Subalit, mariing itinanggi ni Zamora ang pagbibigay ng anumang preferential treatment.

“When I became mayor in 2019, all of the city hall employees were appointed by them (Ejercito Estrada family members) because they were in position [as mayor of San Juan] for 50 years, from 1969 until 2019. Barangay captains, department heads, most of them are Estrada department heads, Estrada councilors… but we work well together. Niyakap ko sila,” giit ni Zamora.

Pinabulaanan ni Zamora ang paratang ni Ejercito na dahilan ang relasyon ng retiring city government employees sa pamilya ng huli sa hindi paglalabas ng terminal leave pay.

Ayon kay Ejercito, dating alkalde ng lungsod, isinumbong umano ng mga empleyado ang kanilang mga alalahanin sa kanyang opisina. Karamihan umano sa kanila ay nanungkulan sa kanyang termino bilang alkalde, maging sa mayoral stints ng kanyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada; inang si Guia Gomez; at half-brother na si Senator Jinggoy Estrada.

Giit ni Senator JV walang ibang paraan upang ilarawan ang sitwasyon ng mga empleyado kundiut “political vendetta.” 

Subalit, sinabi ni Zamora na nananatiling malabo ang pagkakakilanlan ng mga nasabing empleyado na naghihintay ng kanilang terminal leave pay.

“But the process is, the terminal leave [pay] will not be released if there is still an ongoing investigation [on the person involved], there is a pending case or a pending clearance, unpaid loans. In those situations, the terminal leave pay won’t be released,” wika ni Zamora.

Dagdag niya, “It is a matter of accountability and not based on a whim. But if I see the list of these individuals and we are able to verify that there is no issue on accountability, we can release the terminal pay.”

Nauna nang sinabi ni Zamora na, “The allegation that the non-release of the benefits is politically motivated is preposterous.”

Inilahad ni Zamora sa isang phone interview na, “If I am vindictive as he claims, and that I am terrorizing the people, how come we all won the positions [last elections] and we were able to break a 50-year dynasty in 2019?” RNT/SA

Previous articleAnne, aminadong inulit ang damit
Next article2 bank employees kalaboso sa panggagahasa sa 17-anyos!