Home ENTERTAINMENT Anne, aminadong inulit ang damit

Anne, aminadong inulit ang damit

Manila, Philippines- Naaliw lamang ang It’s Showtime host na si Anne Curtis dahil sa napuna ng isang netizen, ang pagkakahawig ng suot niyang t-shirt sa nakaraang episode ng programa at noong year 2014.

Magkapareha raw ang suot ni Anne sa dalawang magkakalayong episode.

Tuloy, napa-react si Anne matapos mapansin ng isang netizen na parehas ang suot niya na shirt sa isang episode at noong 2014.

Sa post kasi ng netizen sa X na may user name na @joosaaraap ay ibinahagi nito ang clip na suot ni Anne ngayong 2024 sa Its Showtime, ang top na smiley ang print. Ipinakita rin ng netizen sa naturang clip ang nasabing top na suot ni Anne noong 2014.

Kapansin-pansin na maganda pa rin ang top na suot ni Anne kahit 10 years na ito.

Na-amaze naman si Anne sa naturang netizen dahil kahit sa matagal na panahon ay nahanap pa rin nito ang isinuot ng actress noon.

“Grabe!!! Insane that you found this!!! Yes! I’ve had this top FOREVER!” sabi ni Anne. Ador V. Saluta

Previous articleLibreng pasyal sa Intramuros alok sa mga kababaihan sa Marso 8 
Next articleTirada ni Estrada pinalagan ni Zamora