Home METRO Libreng pasyal sa Intramuros alok sa mga kababaihan sa Marso 8 

Libreng pasyal sa Intramuros alok sa mga kababaihan sa Marso 8 

MANILA, Philippines- Kasado sa Marso 8 ang libreng pamamasyal sa makasaysayang “Walled City of Intramuros.

Nitong Biyernes, inanunsyo ng Intramuros Administration na libre ang entrance sa lahat ng sites para sa mga kababaihan sa March 8 sa pagdiriwang ng International Women’s Day. 

Kabilang dito ang Fort Santiago, Casa Manila Museum, at Baluarte de San Diego.

Naghanda rin ang pamunuan ng mga sumusunod na aktibidad para sa pagdiriwang ng National Women’s Month:

  • Weave your way, isang mini weaving workshop sa Museo de Intramuros sa March 16 – 17

  • Dalaw at Sayaw Cultural Show tuwing Linggo maliban sa March 31

  • Cleantamuros sa Plaza Roma, Manila Cathedral tuwing Linggo maliban sa March 31. RNT/SA

Previous articleSuspek sa pagpatay sa barangay chairman sumuko
Next articleAnne, aminadong inulit ang damit